IKAW!


Ikaw! Na marunong umintindi
Ikaw! Na may alam sa nangyayari
Ikaw! Na alerto sa lahat
Ikaw! Na pinagaaralan ang lahat
Ikaw! Na mulat
Ikaw! Na handang makinig
Ikaw! Na may karapatan
Ikaw!na isa sa pagasa ng bayan
Ikaw! Na may boses upang pakinggan
Kailan ka magkakaroon ng lakas na ilalabas ang iyong saloobin,opinyon at mga hinaing.
Kung kailan wala ka nang magawa ? Kung kailan tapos na ?
Ano ang silbi ng taong bayan kung hindi ito pakikinggan,sapilitang patatahimikin upang maitago ang baho na dapat malaman ng lahat.
Kakasa ka ba sa mga isyung inilalabas upang pagtakpan ang dapat na pagtuonan ng pansin? o ikaw ay mananahimik na lamang sa tabi.
Kaya ikaw ano nga ba ang dapat mong gawin?

Leave a comment