“Ang Pagtupad ng Pangarap”

Sa pagtupad ng pangarap

Magandang mayroon kang pagsisikap

Pagsisikap na nararapat  na ilaan

Sa wastong pamamaraan

 

Pamamaraan ng iyong isinapuso’t isipan

Pinagiisipan kung ano talaga ang sariling abilidad

Abilidad na magbibigay daan

Sa mga bagay na maaaring matupad

 

Sipag at tiyaga ang iyong daanan

Patungong kinabukasan

Kinabukasan na matagal na nating inaasahan

Pananalig sa Diyos ay hindi dapat mawala

Sapagkat ito’y isang sandata

Na hindi basta mawawala

 

Magtiwala sa sarili

Dahil sa sarili magsisimula ang lahat

Lahat na nais nating gawin

Ang magdadala sa rurok ng tagumpay

Tagumpay na pinakamasayang maramdaman

 

Ang pakiramdam na matupad ang pangarap

Isa sa pinakamasaya at pinaka inaasam

Inaasam na hindi mo maipaliwanag

Pasasalamat sa Diyos ang nararapat na ipahayag

 

Tatagan ang loob sa daa’y maraming ahas

Pag abot sa tuktok ay hindi basta at payak

Minsan pa nga sayo’y maraming tatapak

Pero kailangan ipakita ang galing at taas ng mithiin

 

Daan naman talaga’y  minsan mahirap tahakin

Ngunit kapag umayaw ika’y palpak na tatawagin

Sa paglagpas sa lubak na daan

Kaginhawaan ay makamtan

Ngiti’y aboy langit, lasap ang sariwang hangin

Lasap ng natupad na pangarap

Na aming nagsisilbing kayamanan

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s