AKALA

Akala ko lang pala
Na ako yung gusto niya
Sa mga panahong ako’y naroon pa
Na ipiniraramdam ko na mahal ko siya .

Mahal ko siya ng lubos
Na hindi niya inaakala
Nagbulagbulagan , nagbingibingihan pa siya
Na akala mo’y diko ramdam ang ginagawa niya
Masakit man at mahirap
Kailan mong tanggapin
Dahil kahit kailan hindi ka niya mamahalin

Inakala ko lang pala
Na ako yung mahal niya
Dahil sa mga kilos at salita
Na ipinaramdam niya.

Ipinaramdan niya nga ba talaga?
O sadyang ako’y asumera lang talaga
At umaasa na balang araw ako na yung mahal niya
Sa bawat oras , minuto , segundo sa buhay niya.

Maraming alaala Na nais niyang burahin
Dahil sa inaakala kong ako’y kaniyang mamahalin
Na balang araw ako naman iyong pipiliin
At maramdaman siyang kapiling.

Leave a comment